 | Category: | Movies | | Genre: | Comedy |
"Keep your friends close, but your enemies... open!"
Eto ang talagang super winner na linya sa latest movie ni Toni Gonzaga, Sam Milby at Zanjoe Marudo. Ang kuwento, si Toni ay isang super tough na pulis na si Moe. Dahil sa mga paghihirap sa buhay niya di na siya natutong magmahal. Si Sam Milby (Lt. Kevin) naman ay isang torpeng pulis na kasama ni Toni sa trabaho niya. Ang kakaiba sa pulis na eto ay 1) guwapo siya. 2) May amboy accent siya 3) Mas pula ang lips niya kesa sa bidang babae 4) May MacBook pro siya! So alam natin na fantasy talaga ang kuwento.
Alam na natin ang kuwento. Si Kevin, in love kay Moe. Pumasok sa buhay nila si Caloy (Zanjoe), isang DVD vendor na 1) Masyadong guwapo maging DVD pirate 2) Super galing manligaw. Sa pagpupursigi ni Caloy, natunaw niya ang matigas na puso ni Moe.
In between, maraming suporting cast na nakakabaliw! Abangan ang kuwento sa buko at maloloka kayo! Ano nangyari sa huli? Bakit ko ikukuwento? Panoorin niyo. Hindi siya kagandahan na pelikula pero siguradong matatawa kayo! So watch this movie, pero paki-disconnect ang mga utak niyo para tuluyan ninyong ma-enjoy siya! 
| |
|